10

Aug 6, 2020 @ 23:05
By

DOH pinagmalaki: ‘Pinas No. 1 sa COVID testing capacity

Inihayag ng Department of Health (DOH) na numero uno ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 testing capacity sa mga bansa sa Southeast Asia.

Ayon sa kagawaran, hanggang Agosto 4 ay kabuuan nang 1,643,539 indibiduwal ang na-test para sa COVID-19 at may average na 28,938 tests kada araw ang bansa sa loob ng isang linggo.

Mas mataas daw ito kumpara sa Indonesia, ayon sa datos umano mula sa Our World in Data.

Kabuuang 908,000 indibiduwal ang na-test ng Indonesia as of Aug. 4, sa average na 14,29 tests kada araw.

Dagdag ng DOH, mayroon na ring 99 lisensiyadong COVID-19 testing centers ang Pilipinas, 75 ay mga RT-PCR laboratories habang 24 ang GeneXpert laboratories.

Nitong Huwebes pumalo na sa 119,460 ang total COVID-19 case sa Pilipinas, sapat para ungusan ang Indonesia sa top spot sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng virus.

Kasalukuyang may 116,871 COVID-19 case sa Indonesia, ayon sa John Hopkins Coronavirus Resource Center

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?