70

Jan 11, 2022 @ 10:59
By

DOH: Pilipinas critical risk na sa COVID-19

Nasa critical risk case classification na ang Pilipinas dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang inireport ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Duque, 690% ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 batay sa 7-day moving average ng nairereport na kaso kada araw, at naitala sa 49.4 percent ang positivity rate.

“Ang ating bansa ay kasalukuyang nasa critical risk case classification, 3,663 percent naman para sa two-week growth rate; 10.47 average daily attack rate, at 40.47 percent positivity rate,” ani Duque.

Lahat aniya ng rehiyon sa bansa ay nagpapakita ng mataas na trend ng COVID cases maliban sa Region VII.

Sinabi ni Duque na nasa critical risk classification na ang National Capital Region (NCR) at Region IV-A nat Region III kaya mahalagang bantayan ang mga nabanggit na lugar.

“Napakahalaga na bantayan natin ang mga lugar na ito at paigtingin ang paggamit ng mask, hugas, iwas, ventilation at vaccination strategy,” dagdag ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na ang NCR ang may pinakamalaking naitala sa caseload na siyang sentro nang pagkalat ng COVID-19 contamination.(Aileen Taliping)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?