60

Jun 10, 2020 @ 21:37
By

DOH: Pekeng face mask nagkalat online

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga binebentang substandard face mask online.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam sa DZBB, mayroong pamantayan na ipinapatupad para sa face mask ang Food and Drug Administration at Department of Trade and Industry na dapat sundin.

“Meron ho tayong standard na ipinatutupad para sa locally produced na face mask o di kaya mga face mask na ibebenta na produced na mga item. Kung sakali, meron hong nagkalat online, siguraduhing rehistrado,” aniya.

Dagdag niya, mahalagang gumamit ng de-kalidad na mga face mask dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay kapag substandard ito.

“Binibigyan natin ng emphasis ito especially those who are working in the health care setting kasi kapag nakabili kayo ng mga substandard na PPEs, face mask, maaaring ilagay nito ang buhay n’yo sa panganib,” wika pa niya.

Nagpaalala rin siya na isuot nang wasto ang face mask at palaging maghugas ng mga kamay para hindi kapitan ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?