39

Aug 13, 2021 @ 14:12
By

DOH parang hindi alam na may pandemya sa bagal kumilos—Bro. Eddie

Para umanong walang pandemya kung pagbabatayan ang kupad ng kilos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva nakababahala ang mabagal na aksyon ng DOH sa mga pondo na para sa mga pangangailangan na panlaban sa COVID-19 pandemic.

“We are terribly disturbed on how the agency sluggishly, and with no apparent sense of urgency, disbursed some of its funds, particularly those intended for the allowance and hazard pay of our frontliners. We are in the midst of a pandemic, swift action is the name of game in winning the war against COVID-19,” sabi ni Villanueva.

Kinuwestyon ng Commission on Audit ang P67 bilyong pondo ng DOH na hindi umano sumunod sa batas ang paggamit o hindi talaga nagamit.

Kasama sa naturang halaga ng halos P12 bilyon ang para sa special risk allowance (SRA), active hazard duty pay (AHDP), financial assistance at iba pag benepisyo ng mga public at private health workers. Hindi ito naibigay hanggang noong Disyembre 2020.

“These funds should have been released promptly to be used by thousands of our frontliners. Such well-timed release of assistance and benefits for our frontliners will spell the difference between inspiration or discouragement among our heroes,” dagdag pa ni Villanueva.

Mayroon ding mga gamot at medical supplies na nag-expire, malapit na mag-expire at mga gamit na hindi naipamimigay sa mga health care facilities na dapat gumamit nito.

“We already flagged this last year when CIBAC filed a House Resolution calling for the investigation of the numerous audit reports citing that DOH keeps on procuring medicines and drugs more than what it needs and is able to use within the year,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?