14

Jan 13, 2021 @ 16:41
By

DOH: Pagsirit ng COVID-19 case walang kinalaman sa holiday

Walang kinalaman sa nakalipas na pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa ngayon, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ani Vergeire, ang pagsirit ng COVID-19 case sa nakalipas na apat na araw ay posibleng dahil sa nabawasan ang output ng mga laboratoryo sa bansa.

“It is only now that the functions of the laboratories are normalizing and this might have some effect on the number of reported cases. We want to look [at the numbers] for another week so that we can have a more accurate conclusion on the trends of cases here,” paliwanag niya sa press briefing sa Malacañang.

Magugunitang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kalagitnaan pa ng Enero 2021 masasabi ng Department of Health kung nagresulta ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon ng higit pang coronavirus transmission.

Matapos naman ang dalawang linggo malalaman kung nakaapekto rin sa kaso ng virus sa bansa ang selebrasyon naman ng pista ng Nazarerno noong Jan. 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?