26

Sep 10, 2021 @ 18:22
By

DOH: Pagluwag sa bakunado baka mauwi sa diskriminasyon

Pinag-aaralan pa ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng mga mayor na magluwag nang konti sa mga bakunado na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukas sila sa rekomendasyon ng Metro Manila Council pero aniya, maaari itong magresulta sa diskriminasyon sa mga hindi pa bakunado.

Aniya, karamihan ng mga Pilipino ay hindi pa bakunado lalo na iyong mga walang access sa bakuna.

“We still have to consider that majority of the population is still not vaccinated, hence, it may lead to discrimination especially to those who don’t have access to vaccines yet,” paliwanag ni Vergeire.

Dagdag niya, hindi nahaharang ng bakuna ang paglipat ng virus sa tao at ang mga fully vaccinated ay maaari pa rin namang tamaan ng sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?