30

Jan 15, 2022 @ 14:03
By

DOH: Omicron kalat na sa Metro Manila

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado na may community transmission na ng Omicron variant ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ay kahit pa aminado ang ahensya na hindi nakakahabol ang isinasagawang genome sequencing – na siyang paraan upang malaman ang klase ng variant.

“Dito sa National Capital Region, we are seeing community transmission dito sa NCR ng Omicron variant. Bagama’t hindi nakakahabol ang ating whole genome sequencing, we already have determined that there are local cases already,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, ang pagsirit ng mga kaso ng COVID, partikular sa Metro Manila, ay dulot na rin ng Omicron.

“Sa nakikita nating trend ngayon, ito po ang characteristic talaga ng Omicron variant, ‘yung mabilis na pagkalat, ‘yung very steep rise in the number of cases, ‘yung doubling time na every two days na napakabilis, ito po lahat ay charactheristics ng Omicron variant,” dagdag pa ni Vergeire.

Dugtong pa ng health official, sakaling magpatuloy ang pagtaas ng mga kaso ay ang Omicron na ang magiging dominanteng variant ng COVID sa bansa, at hindi na ang Delta. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?