38

Oct 27, 2020 @ 19:14
By

DOH official suspendido sa sablay na benepisyo sa mga frontliner

Sinuspende ng anim na buwan ng walang sweldo ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) kabilang na ang apat na empleyado dahil sa reklamong pang-iipit ng mga allowance at benepisyo ng mga health workers.

Sa nilagdaang suspension order nitong Martes ni Ombudsman Samuel Martires, hindi muna papayagang makapasok sa trabaho si Health Undersecretary Roger Tong-an, kabilang sina Kenneth Ronquillo, Maylene Beltran, Laureano Cruz at Esperanza Carating.

Bukod sa nasabing reklamo, hindi rin umano naibibigay sa tamang oras ang mga benepisyo ng mga medical frontliners kaya naman pinatawan ang mga nabanggit ng suspensyon.

Nilinaw naman ng Ombudsman na hindi parusa ang ipinataw na suspensyon sa mga nabanggit na opisyal bagkus ito ay upang hindi nila maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa kanilang kaso.

Agad pinadalhan ng Ombudsman ng kopya ng suspensyon si Health Secretary Francisco Duque para ipatupad ang nasabing kautusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?