9

Jun 17, 2021 @ 12:40
By

DOH: Natodas sa dengue ngayong 2021, malaki binaba

Nagkaroon ng malaking pagbagsak sa bilang ng mga nasawi sa dengue sa unang apat na buwan ng 2021, ayon sa Department of Health (DOH).

Lahad ni National Aedes-borne Viral Disease Prevention and Control Program program manager Aileen Espiritu, umabot sa 21,378 ang kaso ng dengue mula January 2021 hanggang April 17.

56 percent ang binaba nito kung ikukumpara sa 49,135 tinamaan ng dengue sa parehong period noong 2020.

Sa bilang ng nasawi, mula 179 noong nakaraang taon ay dausdos ito sa 80 ngayong 2021.

Ayon kay Espiritu, posibleng epektibo ang ‘4S’ ng DOH: ‘search and destroy’ ang pinamumugaran ng mga lamok, secure self-protection measure, seek early consultation at support fogging or spraying in hotspot areas.

“This may be attributed to the implementation of the enhanced 4S strategy… that has been strengthened in every household especially when we are placed under community quarantine,” lahad ni Espiritu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?