103

May 20, 2021 @ 12:15
By

DOH nakiusap sa mga LGU: Brand huwag gamitin pang-promote ng bakuna

Sinita ng Department of Health (DOH) ang mga local government unit (LGU) na iwasan ang paggamit ng mga vaccine brand para sa promotion ng kanilang aktibidad tungkol sa pagbabakuna.

Ito’y kasunod ng utos na huwag ianunsyo ng brand na ituturok ng bawat LGU sa kanilang mga residente para maiwasan ang pagdumog ng publiko sa mga vaccination site.

Sa pahayag ng DOH, pinaliwanag na ipaaalam pa rin sa bawat indibiduwal ang brand ng bakuna na ituturok sa kanila dahil kasama ito sa on-site vaccine education at nakalagay din sa kanilang mga vaccination card.

Giniit din ng DOH na ang bawat bakuna na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at epektibong gamitin.

“We have to be reminded that vaccine confidence should be built in the stringent processes that lead to the vaccine development, local authorization, and recommended use of these vaccines, and definitely not by the brand,” ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Bagamat hindi mandatory ang pagpapabakuna, hinimok ng DOH ang bawat Pinoy na magparehistro at huwag nang mamili ng brand.

“COVID-19 vaccines give additional protection against COVID-19 to prevent hospitalization and death. We, at DOH, call on the public to choose to be vaccinated to protect yourselves and your loved ones, the soonest possible time,” saad pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?