8

Jan 26, 2021 @ 16:55
By

DOH: Nagpositibo sa COVID-19, sampa sa 516K

Umakyat na sa 516,166 ang mga tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas matapos panibagong 1,173 katao ang magpositibo nitong Martes.

Sa bilang, 30,357 ay active cases; 84.9% ay mild, 8.4% ay asymptomatic, 3.8% ay kritikal, 2.5% ay severe at 0.50% ang moderate.

Maliban sa bagong kaso, nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 18 bagong gumaling at 94 pumanaw.

Kaya akyat sa 475,423 ang kabuuang nakarekober na sa sakit habang 10,386 ang nasawi sa virus

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?