243

Dec 27, 2017 @ 19:20
By

DOH nagpadala ng ayuda sa mga nasalanta ni Vinta

Iniutos ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pagdedeploy ng karagdagang gamot at medical supplies sa mga rehiyong tinamaan ng Bagyong Vinta.

Ito ay para agad na marespondehan ang pangangailangang medikal ng libu-libong pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

“The DOH expresses its sympathy to our countrymen on this tragic event especially with the loss of lives and with many still reported missing along with their homes which were destroyed by flash floods and landslides. This is very sad especially at this time when families should be celebrating Christmas and preparing for the festivities of the New Year,” saad ni Duque lamented.

Kasabay nito, umapela rin si Duque ng tulong mula sa publiko para sa mga nasalanta ng bagyo.

Nananatili pa ring nakaalerto ang DOH at inatasan na rin nito ang mga kaukulang regional office na magpadala ng emergency response team para tulungan ang mga nasalanta na mangangailangan ng medikal na atensyon.

Nabatid na ang DOH Davao regional office ay nagpadala na ng emergency medical team sa Talomo North District, Marilog District at Bunangin District, habang ang DOH Central Visayas ay nagbigay naman ng technical services sa water sanitation, hygiene at nutrition services.

Nagpadala naman ang DOH Central Mindanao ng karagdagang gamot sa mga rural health unit sa Pantao Ragat at Balo 1 para sa mga lumikas na residente at sinimulan na rin nila ang pagbibigay ng prophylaxis para sa mga nalantad sa leptospirosis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?