98
doh
Dec 1, 2018 @ 21:07
By

DOH, nagpaalala sa publiko ngayong malamig ang panahon

Panatilihing malakas at maayos ang pangangatawan.

Ito ang naging paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko upang makaiwas sa posibleng makuhang sakit dahil sa malamig na panahon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, uso sa mga panahong ito ang trangkaso.

Kabilang sa mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng lalamunan, sipon, ubo at pananakit ng mga kasu-kasuan.

Payo ng kalihim, palakasin umano ang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng masusutansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas.

Maganda rin umano ang regular na pag-eehersisyo at ang pagkakaroon ng sapat na haba ng tulog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?