62

By

DOH nagbukas ng hotlines para sa Dengvaxia concerns

Sharing is caring!

Naglaan ang Department of Health (DOH) ng dalawang service hotlines para tumanggap ng mga katanungan hinggil sa kontrobersiyal na Dengvaxia, ang bakuna kontra dengue.

Para sa mga katanungan ng publiko ay maaari silang tumawag sa mga numerong 711-1001 at 711-1002. Ito ay para sa mga paglilinaw na gusto nilang isangguni hinggil sa nabanggit na bakuna.

Una nang nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa DOH na bumuo ng database o talaan ng mga batang naturukan ng Dengvaxia patrikular ang mga hindi pa nagkasakit ng Dengue lalo na sa mga nagmula sa Luzon at Cebu.

Matatandaang ikinabahala ng publiko ang mismong pag-amin ng manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur, isang French pharmaceutical company, na maaaring magdulot ng malalang kondisyon ang naturang bakuna sa mga taong naturukan nito nang hindi pa nagkaka-dengue.

Nabatid na nasa 700K na mga batang estudyante na nasa edad siyam pataas ang nabakunahan na ng Dengvaxia sa iba’t ibang panig ng bansa. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?