15

Oct 4, 2021 @ 18:42
By

DOH nagbigay 11 kondisyon para turukan bata vs COVID

Naglatag ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng 11 medical condition na magiging sapat na dahilan para turukan ang mga edad 12 hanggang 17 ng bakuna kontra COVID.

Ayon sa DOH, kwalipikadong turukan ang mga batang may isa sa mga sumusunod na kondisyon:

lMedical Complexity

lGenetic conditions

lNeurologic conditions

lMetabolic/ endocrine

lCardiovascular disease

lObesity

lHIV infection

lTuberculosis

lChronic respiratory disease

lRenal disorders

lHepatobiliary

Paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa rin ng clearance mula sa doktor bago turukan ang bata na taglay ang isa sa mga nabanggit na kondisyon.

“Ibig sabihin ang kanilang mga magulang ay kailangan magkaroon ng consent dito, pipirma sa document, at pangalawa ‘yung bata mismo na babakunahan ay may assent dito. Pangatlo, syempre ‘yung monitoring natin,” wika ni Vergeire.

May mga lokal na pamahalaan na sinimulan na ang registration para sa mga kabataan na nais magpabakuna kontra COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?