12

Jul 24, 2020 @ 14:44
By

DOH nagbabala vs namemeke ng COVID test result

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag pekein ang COVID-19 test result dahil lalo lang ito makakalala sa pandemic.

“Dapat maintindihan ng mga tao na ‘yung ginagawa nilang ‘yan might cause the further transmission of diseases if we do that,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Kailangan lang talaga paigtingin ng mga local government and other institutions na gumagamit niyan (rapid test) ‘yung pag-release ng results,” dagdag niya.

Reaksyon ito ni Vergeire matapos mag-viral ang pagkakadiskubre sa isang printing shop sa Caloocan City na ine-edit ang resulta ng isang anti-body rapid test kung saan pinalitan ang pangalan at edad na nakasulat sa dokumento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?