139

Mar 29, 2020 @ 15:41
By

DOH nag-sorry: COVID-19 test kit ng China, hindi palpak

Humingi ng paumanhin ang Department of Health matapos sabihin na 40-percent lamang umano ang accuracy ng ilang test kit na donasyon ng Chinese government.

Sa pahayag ng DOH, kanilang nilinaw na ang nasa 102,000 test kit mula sa Chinese government ay pasado sa assesment ng Research Institute for Tropical Medicine at kahanay din ng kalidad na tinakda ng World Health Organization.

Anila, ang test kit umano na sinabi sa DOH briefing ay ibang brand na ido-donate sana ng private institution at hindi ng Chinese government.

Napagkasunduan na ang mga test kit na galing sa China na may tatak na BGI at Sansure RT-PCR ang gagamitin ng DOH na donasyon.

“The DOH apologises for any confusion that previously issued statement have caused,” saad ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?