50

Apr 27, 2020 @ 19:31
By

DOH: Mga ospital ‘di dapat tumanggi sa pasyente

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa mandato ng mga itong magbigay ng emergency treatment service sa mga pasyente.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ng ospital mapa-pribado man o pampubliko ay hindi dapat tumanggi sa pasyente sa ilalim ng Anti-Hospital Deposit Law.

“Ang mga pampublikong ospital ay hindi dapat humihingi ng deposito. Samantala, ang pribadong ospital ay dapat munang bigyan ng emergency treatment ang isang pasyente bago ito i-refer sa pampublikong ospital kung kinakailangan,” aniya.

Samantala, hinikayat ng DOH ang publiko na isumbong ang anumang paglabag ng mga ospital sa Anti-Hospital Deposit Law sa kanilang hotline na 02-894-COVID o 1555.

Magugunitang namatay ang isang ginang na kapapanganak lang noong Abril 24 matapos tanggihan ng anim na ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?