14

Apr 7, 2021 @ 16:23
By

DOH: Mga ospital baka kapusin ng oxygen tank

Pinakokontrol ng Department of Health (DOH) sa mga supplier ang bentahan ng mga oxygen tank upang maiwasan ang kakulangan nito sa mga ospital.

Sa online press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naiintindihan nila ang pag-iimbak ng publiko ng oxygen tank sa bahay pero nagbabala na ang hindi maayos na paggamit nito ay maaaring makalala pa.

“For example, you are not sick and you do not have any respiratory difficulty in breathing and all, baka makasama pa ito sa inyo kaysa makakabuti kasi,” sambit ni Vergeire.

Kaya nakiusap siya sa publiko na kung kailan lang kailangan ay saka kumuha ng oxygen tank at kumontak sa mga local government unit at doktor.

Gayundin nagsumamo siya sa mga supplier: “Sana itong pagbebenta natin at pagpapahiram ng oxygen tanks natin ay ma-regulate natin na talagang ang kumukuha sa inyo ay hospital facilities muna natin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?