9
dengvaxia-doh
By

DOH: Mga naturukan ng Dengvaxia na naospital, 3K na

Sharing is caring!

Aabot na sa mahigit tatlong libo na nabakunahan ng Dengvaxia ang naospital.

Batay sa Dengue Adverse Events Surveillance ng Department of Health (DOH), kabuuang 3,281 na nga Dengue vaccinee ang naospital sa mga pampubliko at pribadong pagamutan mula March 2016 hanggang March 2018.

Mula sa nasabing bilang, 1,967 ang nagkasakit ng dengue at ito ay nakumpirma sa pamamagitan ng clinical at serological tests.

Anim na pu’t lima naman ang namatay at ang mga kasong ito ay iniimbestigahan na.

Binigyang diin naman ng DOH na mahigit 98-% ng mga pasyenteng naospital ay nakauwi na.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang DOH ang sasalo ng gastusin para sa pagpapagamot ng mga nasabing pasyente sa pamamagitan ng PhilHealth, at ang nalalabing gastusin naman ay babayaran sa pamamagitan ng DOH Medical Assistance for Indigent Program.

Ayon sa DOH, nasa P22 million na ang nagagastos para mabigyan ng medical assistance ang mga naospital na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?