33

May 26, 2021 @ 17:10
By

DOH: Mga health worker sa probinsya, duda sa bakuna

Urong-sulong ang mga health worker sa mga probinsiya na magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na siyang Chairperson ng National Vaccination Operation Center.

Ayon kay Cabotaje, hindi pa rin ganap na nakumpleto ang pagbabakuna sa mga health worker sa buong bansa dahil nag-aalangan pa rin ang karamihan sa mga ito.

Wala na aniyang problema sa Metro Manila ang nasa A1 category dahil halos lahat ay nabakunahan na at ang problema na lamang ngayon ang mga nasa probinsiya.

“Sa NCR 97% ang ating A1. Ang karamihan po nasa probinsya. Kailangan natin pong hikayatin yung ating barangay health workers, yung members ng barangay health emergency response teams. Medyo nag-aalangan pa sila, so kailangan talagang kumbinsihin mostly in the provinces and in the regions,” ani Cabotaje.

Sa kabuuan ayon sa opisyal ay 15 percent pa ng mga nasa A1 category sa buong bansa ang hindi pa nagpapabakuna na karamihan ay nasa mga lalawigan kaya mahalagang paigtingin ang panghihimok sa mga ito para makasiguro ng kaligtasan sa bangis ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?