18

Sep 7, 2021 @ 16:12
By

DOH: Mayorya ng COVID cases sa bansa Delta variant salarin

Tatlo sa apat na Pinoy na nasasapol ng COVID-19 ay dahil sa Delta variant ayon sa Department of Health (DOH).

Anang ahensya, sa 367 COVID-19 samples na binusisi ng Philippine Genome Center noong Setyembre 3, 276 o 76 porysento rito ang positibo sa Delta variant.

Batay sa kanilang genome sequence, lumalabas na 7.9 porseynto rito ay Alpha variant at 7.6 porsyento naman ay Beta variant.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari pang lumobo sa mga darating na linggo ang naitatalang COVID cases kada araw dahil sa lalong pagkalat ng Delta variant.

“Cases may still continue to increase in the next weeks due to the higher transmissibility of the Delta variant and as we continue active case finding,” sambit niya ngayong Lunes sa isang press brieifng.

Nito lamang Lunes nang maitala ang record high 22,415 COVID cases sa bansa.

Kasalukuyang 2,103,331 katao na ang nasapol ng virus sa bansa — 1,909,361 rito ang gumaling at 34,337 naman ang natsugi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?