10

Mar 3, 2021 @ 13:51
By

DOH ‘masaya’ sa unang araw ng COVID turukan

Kuntento naman umano ang Department of Health (DOH) sa unang araw ng pagbabakuna ng Pilipinas laban sa COVID-19.

“We are content. Masaya kami. Nagbabakuna na tayo at ang tagal-tagal po natin hinantay and we are now vaccinating our health workers na sila po ang pinakaimportanteng mabakunahan,” sambit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes.

Kahit mababa pa aniya ang bilang ng mga health worker na gustong magpaturok ng CoronaVac, ang bakuna na gawa ng Sinovac, umaasa silang dadami pa ang mababakunahan matapos makitang maturukan ang mga kaibigan nila.

“We are expecting and hoping that for these coming days, we will see an increased uptake of this vaccine para may protection ang ating mga health workers,” dagdag ng kalihim.

Sa anim na ospital sa Metro Manila, tanging 756 health worker, sundalo at pulis, at ilang opisyal ng gobyerno lang ang pumayag na mabigyan ng CoronaVac dose.

Hindi bababa sa 13 binakunahang health workers ang nakaranas ng “common” at “minor” adverse effects, ani Vergeire. Pero 20 naman ang binigay niyang datos sa hiwalay na briefing.

Magugunitang 50.4 porsiyento lang na epektibo ang bakuna ng Sinovac upang maiwasan ang coronavirus infection sa mga health worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?