12
Dengvaxia
By

DOH mas pinaigting ang monitoring sa nabakunahan ng Dengvaxia

Sharing is caring!

Puspusan ngayon ang monitoring ng Department of Health (DOH) sa mga nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa pagbabalik ng klase ng mga estudyante sa susunod na linggo, mamamahagi sila ng liham sa mga magulang ng mga bata na naturukan ng dengue vaccine.

Nakasaad aniya sa liham ang mga dapat gawin sakaling may mapansin na kakaiba sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Nakapaloob din sa monitoring ang update na ginagawa ng pamahalaan sa kaso ng Dengvaxia at kung saang ospital dadalhin ang mga bata na magpapakita ng sintomas ng epekto nito.

Ngayong araw, sinabi ni Duque, na magco-convene ang mga health expert na miyembro ng kanilang binuong panel na nagsusuri sa mga data na kanilang nakalap.

Ang mga naturukan aniyang mga bata na may nararamdamang kakaiba ay ipinapadala nila sa Philippine General Hospital upang masuri ng mga health expert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?