21

Jul 19, 2021 @ 13:04
By

DOH: Malakihang lockdown ‘di kailangan vs Delta variant

Ayon sa Department of Health (DOH), hindi kailangang magpatupad ng lockdown sa malaking parte ng isang lugar na napasok ng Delta variant.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakokontrol naman ang mga kaso ng COVID-19, partikular sa Maynila, dahil sa epektibong pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy.

“Noong lumabas ‘yung detection na ito, kinausap natin ang local government officials sa iba’t ibang lugar at tiningnan natin ang estado sa kanilang mga kaso,” ayon kay Vergeire sa panayam ng TeleRadyo.

Aniya, sapat na ang granular lockdown para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.

“Nakikita po natin that they are doing effective PDITR response so ang ating guidance kina Yorme (Mayor Isko Moreno), sabi natin, sige initially let’s do granular lockdowns muna sa areas affected sa inyong lugar and then we will assess everyday so we can see if we need to heighten the restrictions,” lahad pa ng health official.

35 na ang kumpirmadong positibo sa Delta variant sa Pilipinas, 11 dito ay tinaguriang local case, o iyong mga walang travel history abroad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?