11

By

DOH magbibigay ng P50K kada pamilya ng mga namatay sa Dengvaxia

Sharing is caring!

Nagpalabas na nanbg panuntunan ang Department of Health kaugnay sa pinamamahagi ng P50,000 sa bawat namatay na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Inatasan ni DOH CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo, ang mga kinatawan ng kagawaran sa rehiyon na direktang ibigay sa pamilya ng mga biktima na kabilang sa mga nabakunahan noong 2016 sa mga paaralan at mga komunidad.

Ang one-time financial assistance na P50,000 ay alinsunod sa DOH Department Order No. 2018-0147, na ipalalabas ng Tanggapan ng Pangulo sa mga naulila ng mga batang namatay matapos turukan ng nasabing bakuna.

Nilinaw sa kautusan na tanging ang mga naulila ng mga biktima ng Dengvaxia na kabilang sa DOH masterlist ang maaaring pagkalooban nito.

Pinaliwanag ni Janairo na maaaring maghain ng claim ang mga naulila sa DOH Public Assistance Unit na magproproseso ng mga rekisito gaya ng orihinal na kopya ng katunayan ng kapanganakan at orihinal na kopya ng katunayan ng pagkamatay na authenticated ng Philippine National Statistics Office o ang certified true copy (CTC) ng birth certificate mula sa city o sa municipal civil registry; original dengue immunization ID ng namatay o ang original certification mula sa Disease Prevention and Control Bureau na nagpapatunay na namatay sa dengue vaccine ang biktima at ang original o CTC ng medical or clinical abstract na nilagdaan ng doctor na gumamot, license number at professional tax receipt (PTR) number.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?