218

Mar 6, 2018 @ 14:47
By

DOH: Mag-ingat sa food poisoning ngayong tag-init

NAGPAALALANG muli sa publiko ang Department Of Health(DOH) na umiwas sa mga pagkain na madaling masira o mapanis ngayong panahon ng tag-init.

Partikular na ipinaalala ni DOH Spokesporson Dr. Lyndon Lee Suy, ang pagsiguro na malinis ang pagkain o inumin na ating binibili lalo na sa mga ibinibenta sa mga bangketa upang makaiwas sa food poisoning.

Tuwing mainit kasi ang panahon, isa rin sa mga karaniwang sakit ang pagsusuka at pagdudumi.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagkasira ng mga pagkain dahil sa mainit na temperatura.

Payo ng opisyal, mas makabubuti kung sa mga rehistradong tindahan bibili ng pagkain at inumin upang masiguro na mayroon itong sanitation permit.

Dapat maging mapanuri din aniya ang publiko maging sa mga karaniwan nabibiling street food o pampalamig na ibinebenta sa mga bangketa.

Ipinaalala din ni Lee Suy na bawal pa rin ang paliligo sa Manila Bay dahil maaring makakuha ng ibat-ibang uri ng sakit lalo na kapag nakainum ng tubig-dagat.

Pinayuhan naman nito ang publiko na kumain ng mga prutas lalo na yung mga watermelon at pakwan na matubig at mainam ngayong panahon ng summer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?