23

Aug 4, 2021 @ 19:38
By

DOH: Madaanan lang ng Delta variant carrier hawa agad

Nagbabala sa publiko ang isang miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH) na mabilis mailipat sa ibang tao ang Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, lumabas sa mga pag-aaral na hindi kailangan ng Delta variant carrier ng 15 minuto para maipasa sa iba ang taglay niyang virus.

Madaanan lang ng isang indibiduwal na may Delta variant ay mahahawa na nito.

“Dati kasi it takes about three days for somebody to become contagious, but ‘yong sa Delta, baka as little as 30 hours from exposure, somebody can become contagious. Highly contagious even when asymptomatic kasi ang taas po talaga ng amount of virus,” paliwanag ni Salvana sa isang pagdinig sa Kamara.

“And ito ‘yong pinakanakakabahala, ‘yong usual na sinasabi natin na close contact na 15 minutes or more with less than one meter, it seems that this virus is capable of fleeting contact lang. In other words, magdaan lang kayo, tapos hindi ka naka-mask or pangit ‘yong paggamit mo ng mask at face shield, puwede ka nang mahawa dahil ang dami-dami pong virus na ibinubuga ng taong may Delta (variant),” patuloy niya.

Kahit aniya bakunado na tatamaan ng Delta variant ay maaaring makahawa ng iba sa kaparehong antas ng mga hindi bakunado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?