120

Mar 9, 2020 @ 18:13
By

DOH: Lockdown sa Metro Manila dahil sa coronavirus, ‘premature’

Masyado pa umanong maaga para isailalim sa lockdown ang Metro Manila dahil sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH).

“The protocol, in fact, includes that (lockdown) but it might be premature to do it at this point,” giit ni Health Secretary Francisco Duque III.

Paliwanag ni Duque, kailangan pang maghintay ng ebidensiya na mayroon nang “community transmission” para magpatupad ng community lockdown o community quarantine.

Nitong Lunes, Marso 9 inanunsyo ng DOH na panibagong sampung indibiduwal ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Kaya umakyat na sa 20 ang COVID-19 infected sa Pilipinas.

Nagdeklara na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency dahil sa banta ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?