8

May 26, 2021 @ 15:11
By

DOH: LGU bahala pumili sa mga tuturukan sa A4 group

Inaasa na ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon kung sino-sino ang kanilang mga economic at state frontliner na siyang kabilang sa A4 priority group ng babakunahan.

Ito ay dahil ang mga nasa A4 group ay nakatakda ng bakunahan sa Hunyo, kasabay na rin ng pagdating ng mas maraming supply ng bakuna.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga local government unit (LGU) na ang magdedesisyon sa mga empleyado nila na pauunahin maturukan kontra COVID.

“Ipa-prioritize ng mga LGU kung sino iyong kailangan nilang unang mga mabakunahan sa ating mga A4,” pahayag ni Cabotaje.

“We will leave it to the LGU to strategize, sino ba ang most at risk, most vulnerable sa mga A4, depende sa kanilang mga lokalidad,” dagdag pa niya

Sa taya ng ahensya, nasa 22.4 milyon ang mga manggagawang babakunahan sa ilalim ng A4 group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?