4

May 3, 2021 @ 15:04
By

DOH: Lagpas 1.6M katao nabakunahan kontra COVID

Kabuuang 1,650,318 indibiduwal ang naturukan na ng unang dose ng AstraZeneca o Sinovac vaccine sa Pilipinas.

Sa bilang, 284,553 katao na ang kumpleto na ang panangga sa COVID o iyong naturukan na rin ng pangalawang dose ng bakuna.

Karamihan ay mga health worker sa 270,785; 3,083 ang senior citizen at 10,685 ang mga person with comorbidities, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Samantala, pinaalalahanan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga tumanggap na ng bakuna na magkakaroon lamang ang mga ito ng buong proteksyon laban sa COVID-19 makalipas ang dalawa o tatlong linggo mula ng ikalawang dose. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?