53

Mar 30, 2020 @ 12:01
By

DOH kinontra si Locsin: Mga Chinese doctor tanggap sa ‘Pinas

Dumepensa ang Department of Health sa naging paratang ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na pinipigilan umano nila ang mga doktor na Chinese na makapasok sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, naghahanda na sila ng matutuluyan at mga translator para sa 12 doktor mula China na kabilang sa mga rumesponde sa pandemic sa Wuhan, ang naging sentro ng COVID-19.

Matatandaan na sinabi ni Locsin na personal umano siyang dumulong kay Chinese Ambassador Huang Xilian para makapagpapunta dito ng doktor, ngunit aniya’y hinarangan daw ito ng DOH.

“DON’T PISS ME OFF. LET THEM IN,” saad sa tweet ni Duque.

Burado na sa account ni Locsin ang nasabing post matapos umanong magpaliwanag ang DOH ukol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?