23

Jun 15, 2020 @ 22:23
By

DOH: Kaso ng dengue bumaba

Halos 50% ang ibinaba ng bilang ng mga dinapuan ng dengue sa Pilipinas ngayong taon kumpara noong 2019, ayon sa Department of Health (DOH).

“Ayon sa surveillance report ng ating Epidemiology Bureau, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng dengue ngayong taon ay 46% lower than the same time last year,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ito ay posibleng epekto ng ating increased awareness na dala ng pandemic situation,” dagdag niya.

Magugunitang tumaas ang kaso ng dengue noong 2019 dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine kung saan maraming magulang ang natakot na pabakunahan kontra sa sakit ang kanilang mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,