32

May 29, 2020 @ 15:43
By

DOH kapos pa ng 95,000 contact tracer

Nasa P11.7 bilyon ang kakailanganin ng Department of Health (DOH) para makakuha pa ng dagdag na mga contact tracer, o mga health worker na siyang tutunton sa mga nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan ng DOH ng 95,000 pang contact tracers para maabot ang ratio na isang contact tracer sa kada 800 indibiduwal.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa lang silang 38,000 contact tracers.

“We would need over 120,000 contact tracers based on the standard 1:800 ratio. We have an existing 38,000 and need 95,000 more. When we made our computations, with the proposed qualifications of contact tracers, we would be needing P11.7 billion in three months,” sambit ni Vergeire. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?