9

Oct 18, 2020 @ 18:21
By

DOH kalkalin sa expired na gamot – De Lima

Pinasisiyasat ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang hindi maayos na pamamahagi ng Department of Health (DOH) na mga gamit at iba pang mga medical supply na nagresulta sa pagkasira nito.

Sa Senate Resolution No. 539 na inihain ni De Lima, inaatasan nito ang akmang komite na imbestigahan ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa P2.2 bilyong halaga ng expired o overstocked na gamot at iba pang suplay sa imbentaryo ng CDOH.

“DOH, as the most crucial government agency in our pandemic response, should be functioning as efficiently as possible in order to safeguard the health and well-being of Filipinos,” sabi ni De Lima.

“The problems with over-procurement and poor distribution of medicines and other medical supplies seem to be systemic as it predates the arrival of the COVID-19 pandemic and cannot be attributable to the strict lockdowns imposed by the national government to contain the spread of the virus,” dagdag nito.

Sa naturang audit report, ang expired na gamot ay P29.94 milion, habang ang overstocked ay P1.144 bilyon at malapit nang masirang gamot ay nagkakalahaga ng P1.024 bilyon.

Sabi ni De Lima, hindi ito ang unang pagkakataon na nasobrahan ng bili ng gamot at hindi naman naipamahagi nang mabuti ng DOH.

Noong Hulyo 2019, batay sa annual audit report ng COA, mahigit P18.449 bilyon halaga din ng gamot ang nabili mula 2015 hanggang 2019 ang hindi naipamahagi sa mga government hospital, health center at iba pang treatment facility.

“Mantakin ninyo, habang namamatay na lamang sa paghihintay para sa libreng gamot ang mga kababayan nating nakaratay sa banig ng karamdaman, heto ang DOH na hinayaan lang masayang ang mga gamot na dapat sana’y nagdugtong sa kanilang mga buhay!” ani De Lima.

“Anong klaseng liderato meron ang ahensyang ito? Puro kapalpakan at pugad ng katiwalian!”dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?