67

Jul 23, 2021 @ 22:24
By

DOH isiniwalat lugar ng 12 local Delta variant

Isiniwalat ng Department of Health (DOH) ang mga lugar kung saan naitala ang 12 bagong local case ng Delta variant.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 12 local case ay iniulat ng DOH noong July 22.

Sa 12 kaso, isa ang naitala sa Maynila; isa sa Taguig at dalawa sa Pasig.

Anim naman ang naitala sa Bataan at dalawa sa Laguna.

Lahat ng ito umano ay nakarekober na.

Sa ngayon ay kabuuan nang 47 katao na ang tinamaan ng Delta variant sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?