34

Jan 10, 2022 @ 16:15

DOH: IHU, Deltacron variant ‘di dapat ikabahala

Wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa mga kumalat na balita tungkol sa mga bagong variant na nadiskubre sa ibang bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang ilan sa mga bagong COVID variant ay ang IHU at ang ‘Deltacron.’

Ayon sa DOH, wala pang kaso ang mga nasabing variant sa bansa.

“Currently, no recorded cases here in the Philippines. Our experts are still studying this,” pahayag ng ahensya ngayong Lunes.

Ang IHU, o B.1.640.2 na nadiskubre sa France ay hindi umano isang variant of concern o isang variant of interest, ayon kay Dr. Edsel Salvana.

Samantala, ang Deltacron ay nadiskubre naman sa Cyprus na angkin ang pinagsamang katangian ng Delta at Omicron.

Paliwanag ng DOH, ang Deltacron ay hindi bago, kundi isang phenomenon na nangyari sa isang lugar dulot ng pagkalat ng Delta at Omicron variant.

Bukod pa rito, ang Flurona na pinagsamang COVID at lagnat ay hindi rin umano dapat ikabahala dahil hindi umano bago ang co-infection.

“In line with the recent reports regarding alleged variants of COVID 19 – Deltacron/Delmicron, flurona, and IHU variants, the Department of Health would like to clarify that the World Health Organization (WHO) is the sole authority to validate these variants and to determine if it is a Variant under Monitoring (VUM), Variant of Interest (VOI), or Variant of Concern,” saad pa ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?