18

Jun 11, 2021 @ 19:07
By

DOH: Huwag magpanggap na may sakit sa turukan

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag magsinungaling tungkol sa health condition para lamang mabakunahan na laban sa COVID-19.

Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat naman ay mababakunahan laban sa COVID-19 sa tamang panahon.

“You don’t need to fake your documents. Hindi kailangan magsinungaling na may sakit kayo, mabibigyan po kayo kasi karapatan n’yo iyan,” aniya nitong June 11.

Nakatanggap daw kasi sila ng mga report mula sa mga regional office na ilang indibiduwal ang nagpapakita ng pekeng dokumento na nagsasabing may comorbidities ang mga ito.

“Kaya nga po tayo meron screening doon sa ating mga vaccination site, so kaya rin po siguro ang ating mga regional office ay nahuli nila, they were able identify these people kasi we do screening,” wika ni Vergeire.

Nagbabala siyang mahaharap sa parusa ang mahuhuling nagsisinungaling sa kanilang kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?