44

By

DOH: Huwag basta-basta uminom ng antibiotic

Sharing is caring!

Nagbabala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque laban sa pagself-medicate ng antibiotics o pag-inom ng antibiotic nang walang reseta ng doktor.

Kaugnay nito, nagpalabas ang DOH ng National Antibiotic Guidelines kasunod na rin ng paglagda ng sampung pinuno ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa Declaration to Combat Antimocrobial Resistance nang idaos sa Pilipinas ang 31st ASEAN Summit.

Naglalaman ang panuntunan ng mga rekomendasyon sa paggamot ng mga infectious diseases.

Paliwanag ni Duque, binibigyang-diin sa panuntunan na hindi basta-basta iniinom o ginagamit ang antibiotic dahil maari itong maging dahilan ng antibiotic resistance.

“Unang-una tama ang indication, number two kailangang sumunod sa tamang prescription na mga doctor lamang ang nakakapagigay at dapat sinusunod din ang nakalagay sa prescription slip na sinabi ng mga doctor na kapag sinabing one week o two weeks susundin ‘yun ng mga tao ‘yung tamang indikasyon para dun sa klase ng antibiotic,” dagdag ni Duque.

Tinukoy pa ng kalihim na kung hindi rin nakakasunod sa tamang direksyon ng doktor kung gaano kadalas at hanggang kailan at gaano karami ang dapat na inuming antibiotic, maari rin itong humantong sa antibiotic resistance.

“Next time na kailangan mo ng antibiotic ay wala nang epekto kase ‘yung mikrobyo sa katawan mo ay natuto na labanan ‘yung kaunting antibiotic na ininom mo, kailangan ang inumin mong antibiotic ay sapat para mapuksa ‘yung buong mikrobyo at wag kang magtitira,” babala ni Duque.

Nauna nang tinukoy ng DOH na ang Antimicrobial Resistance (AMR) ay itinuturing nang isa sa mga seryosong hamon sa makabagong panahon dahil tumataas na ang mga impeksyon na drug resistant bunsod ng hindi tamang paggamit ng mga antimicrobials. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?