9

Sep 26, 2020 @ 14:25
By

DOH: Hindi pa napatag COVID curve

Sa kabila ng bumabang COVID-19 transmission rate, hinayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon ay hindi pa pwedeng sabihin na tagumpay ang bansa sa pag-flatten ng curve ng pagkalat ng virus.

“May nakikita pa kasi tayo na mga specific areas na merong mga clustering, merong mga pagtaas ng kaso,” ayon kay Vergeire. “At this point, we cannot really say we are flattening the curve.”

Gayunpaman, nilinaw ng health official na nagkakaroon na ng positibong trend sa ginagawa ng bansa sa pagresponde sa pandemya.

Aniya, sa ngayon ay umaabot na ng 10 araw bago dumoble ang bilang ng mga kaso at death toll, na magandang pangitain sa laban ng bansa kontra COVID-19.

“Ang masasabi po natin, may mga good indication na nakikita natin na nakakaagapay ang sistema…” saad ni Vergeire.

“We are slowly hoping na nagkakaroon tayo ng pagdecongest ng sistema, nagkakaroon tayo ng mas maraming kapasidad para maka-accommodate ng mga pasyenteng nangangailangan for COVID-19,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?