15

May 5, 2021 @ 15:08
By

DOH: Higit 2K Pinoy naturukan ng Sputnik V

Kabuuang 2,634 katao ang nabakunahan ng unang dose ng Sputnik V vaccine, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkoles, Mayo 5.

Ito ay matapos simulan ang pagbabakuna sa Sputnik V vaccine noong Mayo 4 nang dumating sa Pilipinas ang 15,000 dose noong Mayo 1.

Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatanggap ng inisyal na dose ng Sputnik V vaccine ang Makati, Manila, Parañaque, Taguig at Muntinlupa.

Sa Parañaque aniya ay 2,100 katao ang naturukan, 165 sa Sta. Ana Hospital sa Maynila habang 369 sa Makati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?