32

May 28, 2020 @ 20:55
By

DOH: Health worker na may COVID-19 pumalo sa 2,452

Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na tumaas sa 2,452 ang bilang ng health worker na tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas.

Sa kabila nito, 1,228 naman ang gumaling sa disease, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nanatili naman sa 31 ang death toll simula Mayo 10.

Sa ngayon ay ginagamot sa sakit o nasa quarantine ang 1,193 medical professional na active case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?