33

Nov 13, 2021 @ 18:37
By

DOH: Hatol sa face shield nasa kamay ni Duterte

Nagkaroon na umano ng pinal na desisyon ang Department of Health (DOH) at ilang eksperto tungkol sa paggamit ng face shield at isinumite na ito sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nagkaroon ng diskusyon, magkakasama tayo ng iba’t ibang ahensya diyan at nagkaroon ng final agreement at ito ay ibibigay at naibigay na sa Office of the President wherein [they] will decide and inform the public pagkatapos po nila mapag-aralan din,” wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Naging sentro ng pagtatalo ng ibat’-ibang sangay ng gobyerno ang patuloy na paggamit ng face shield lalo’t nasa gitna ang Metro Manila ng mas maluwag na Alert Level 2.

Gayundin, tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Isa lamang ang Maynila sa mga naglabas ng ordinansa na nagaalis sa mandatory na pagsusuot ng face shield maliban lamang sa mga pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?