29

Jan 13, 2022 @ 15:32
By

DOH: Guidelines hintayin bago gumamit ng COVID test kit

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na hintayin munang lumabas ang guidelines ng Department of Health (DOH) bago gumamit ng self COVID test kit.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni FDA OIC Director General Oscar Gutierrez na mahalagang masunod ang guidelines ng DOH upang maiwasan ang maling paggamit ng self-testing kit na maaaring magbigay ng false positive o false negative result.

Iniiwasan aniya ng FDA na magkaroon ng false hope o maling pag-asa sa publiko at maging kumpiyansa pero maaaring makapanghawa kung inaakalang negatibo pero tinamaan na pala ng COVID-19.

“May mga pagkakataon na tinatawag na false negative/false positive kaya importante iyong ilalabas na guidelines ng DOH ay masunod natin,” ani Gutierrez.

Sinabi ng opisyal na dalawang kumpanya na ang nag-apply sa FDA ng special certification at inindorso na nila ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para mapag-aralang mabuti bago mabigyan ng approval .

“Once na natanggap ng FDA yung tinatawag na validation performance report ,within 48 hours mabibigyan ng special certification iyong applicant,” dagdag ni Gutierrez.

Kapag aniya maaari ng gamitin ang self-COVID test kits, kinakailang ireport ang resulta sa DOH .

” Kailangan po may reporting system na magaganap kasi mayroon pong aksiyon na dapat gawin ang isang mamamayan na gumamit nito lalo na kung lumabas na positive or negative, lalo na para sa mga pasyente na may sintomas,” wika ni Gutierrez.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?