33

Aug 28, 2021 @ 13:59
By

DOH: Gimik sa ‘ber months’ bawal muna

Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na papayagan lamang sa pagpasok ng “ber months” ang mga essential activity dahil sa pagpapatupad ng mga granular lockdown.

Aniya, bawal muna ang mga gimik na makakahakot ng mga tao.

“Wala po muna tayong crowding, activities na nakaka-attract ng mga tao,” pahayag niya ngayong Sabado.

Samantala, hindi pabor ang DOH sa mungkahi ng Department of Trade and Industry na payagan na ang mga fully vaccinated na makapag-dine in at personal care service tulad ng spa.

Ani Vergeire, marami pang hindi bakunado laban sa virus.

“Pinag-aaralan po ‘yan. Kailangan tingnan lahat ng considerations. Marami pa sa mga kababayan natin ang hindi bakunado — hindi sila bakunado not because they don’t like to be vaccinated but because supplies are not there yet,” pahayag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?