17

Sep 19, 2020 @ 18:34
By

DOH gagastos ng ₱300M para sa libreng face mask

Nasa ₱300 milyon ang inilaan ng Department of Health (DOH) para sa produksyon ng libreng face mask sa mga mahihirap.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, target ng programa na bayaran ang bawat mananahi ng ₱6 kada pirasong face mask para sa minimum daily wage na ₱500.

Ipamimigay ang inisyal na 20 milyong libreng face mask nationwide sa Oktubre.

Ang ipamimigay na mga face mask ay reusable at washable, dagdag ni Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?