133

Mar 9, 2020 @ 12:23
By

DOH: ‘Di taga-QC ang COVID-19 patient

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang pasyenteng nagpositibo sa coronavirus ay nasa isang ospital sa Quezon City, at hindi residente ng lungsod.

Sinabi rin ni DOH Assistant Secretary for Public Health Services Ma. Rosario Vergeire na kabilang ang pasyente sa apat na bagong kaso na kinumpirma ng ahensiya kagabi.

“That’s already part of the 10 persons [positive for the virus] we are talking about,” wika ni Vergeire sa CNN Philippines ngayong Lunes, Marso 9, 2020.

“This QC, the address would be the hospital’s address and not the address of the person,” hayag pa nito.

Sa ngayon, 10 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?