56

Mar 19, 2020 @ 13:05
By

DOH dapat linawin kung sinong pwede i-test sa COVID-19

Panawagan ng Kabataan Party-list sa Department of Health (DOH) na linawin ang patakaran sa COVID -19 testing kit.

Kasunod ito sa balitang sunod-sunod na isinagawang testing sa mga opisyal kasama ang kanilang pamilya kahit ‘asymptomatic’ o wala namang sintomas.

Habang marami umanong ospital ang wala o kulang sa testing kits lalo na sa mga probinsya.

Gayundin ang mga health worker na nagkaroon ng exposure sa COVID-19 positive na siyang dapat na masuri.

Dahil dito, giit ng grupo na linawin ng DOH ang patakaran sa paggamit ng testing kit dahil tila naging ‘palakasan’ na lamang ang nangyayari.

Dapat umano malinaw kung kailan dapat na magpasuri ang isang indibidwal upang sa gayon hindi naman masayang ang testing kit lalo’t limitado pa ito sa ngayon.

Nararapat lamang umano na gamitin ito sa higit nanangangailangan at hindi idaan sa palakasan.

‘Dapat maging patas at malinaw ang patakaran ng DOH sa testing kits, lalo na at may naitakda ng triage,” dagdag ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?