7

Jan 5, 2021 @ 19:16
By

DOH: COVID test gamit laway pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ang paggamit ng laway bilang alternatibong specimen para sa coronavirus disease test, ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ng DOH, mayroong lumalaking mga ebidensya na magpapatunay na may potensyal na maging pagpipilian ang laway sa COVID-19 test.

“The Department of Health recognizes the potential use of saliva as a specimen for SARS-CoV-2 detection through RT-PCR. Hence, to be able to establish its effectiveness supported by local evidence, there are two ongoing local studies on its use as an alternative specimen for COVID-19 testing,” pahayag ng kagawaran.

Sa kasalukuyan ay nasopharyngeal at oropharyngeal swab ang rekomendadong paraan ng pagkuha ng specimen para sa pag-detect ng Severe Acute Respiratory Coronavirus 2.

Pinangungunahan ng Research Institute for Tropical Medicine at Philippine Red Cross ang nagpapatuloy na pag-aaral. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?