38

Jan 14, 2022 @ 17:09
By

DOH: COVID case lalo pang tataas sa Pebrero

Inaasahang mas lalo pang tataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng buwan hanggang sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa press briefing sa Malacañang, batay sa pagtaya ng mga espekto at sa ipinakitang projections sa pulong ng Inter-Agency Task Force nitong Huwebes.

Ayon kay Vergeire, hindi pa umaabot sa “peak” ang mga kaso ng COVID kaya mahalaga aniyang mag-ingat ang publiko dahil sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant.

“Base po sa projections na ginagawa ng ating mga eksperto, ang peak po ng mga kaso, it’s not going to happen soon. It’s going to happen towards the end of January ir even as late as second week of February,” ani Vergeire.

Dahil dito, hinikayat ng DOH official ang publiko na magpabakuna na, partikular ang mga hindi pa nakatanggap ng COVID vaccine para hindi na dumagdag pa sa mga bilang na ipinakita ng mga eksperto.

“Ito po mga kaso, patuloy pa rin hong tataas kaya lahat tayo ay mag-ingat; lahat po ay magpabakuna para makatulong tayo na hindi natin maabot yung projections na ipinapakita ng mga eksperto,” dagdag ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?